Wednesday, July 30, 2014

It's so hard magtula

Anyways, I survived, and I might get a translation of this for English-reading followers (as if I had any xD). My friends and classmates/ex-classmates/hoping-soon-to-be-classmates-again over Facebook were my source of help during this time, so shoutout to Eunice, Misha, Pristine and Iolo (why Anton :c)!! I related to them how it was pretty hard magtula in Tagalog because I've lived for 3 years away from homeland. And of course they asked me to come back soon. 
And also Dad!!!! Thanks Dad!
While writing, I facepalmed a lot because it sounded like a Yeng Constantino song or something




Kalayaan | tula ni Samantha Adalia


Tumatakbo kami sa mga sidewalk
Maingay sa taas ng overpass,
Maingay rin samin dito sa baba.
Tumatawa kami, mga kamay nagsisipagaspasan

At nagsisigaw,
"Kalayaan!"


Mga kabataan walang pahinga
Pupuntahan namin sila,
Kukunin ang kamay, tutulungan tumindig
Para sumama silang tumakbo saamin

At sumigaw,
"Kalayaan!"

Aming isasauli sa kanilang orihinal na kisig
Ang mga pinanday ng kahirapan;
Bibigyan namin ng isang bagay
Na mas maganda, mas masarap sa kayamanan

Ang sigaw ng,
"Kalayaan!"

Hahabulin, pagdadasalan at yayakapin
Mga kababayang nahuli ng sala
Malaki man sila o maliit,
Kababayan parin namin sila;

Ipaparinig ang sigaw ng,
"Kalayaan!"

Ang Diyos ang kalayaan namin
Siya ang lakas sa aming paa
Tapang kaharap ng katwiran
Kapangyarian sa aming boses

Dahil kami ay mahina,
Basag ang tinig at diwa.

Pero alam namin,

Nagsisimulang tumagumpay ang ilaw
Galing sa mga biyak.

Tuwing ito ay matutupad,
Lahat kami ay magsisigaw,
"Kalayaan!"


No comments:

Post a Comment